Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Ang imahe ng Itim na Mira ay dinala sa Maynila ng mga pari mula sa mga Augustinian Recollect noong Mayo 31, 1606. Ang imahe nito ay inilagak sa unang simbahan ng Recollect sa Bagumbayan (na ngayon ay parte na ng Rizal Park), at pinasiyahan noong Setyembre 10, 1606.
Noong 1608, ang pangalawang pinakamalaking simbahang Recollect na inihandog kay San Nicolas de Tolentino (Saint Nicholas of Tolentine) na natapos sa loob ng Intramuros (kung saan nakalagak ngayon ang gusali ng Manila Bulletin) at ang imahe ng Nuestro Padre Jesús Nazareno ay inilipat dito. Ang mga pari ng Recollect ay patuloy na isinulong ang debosyon sa Paghihirap ni Hesus sa pamamagitan ng nasabing imahe. Makalipas ang labinlimang taon, nabuo ang Cofradia de Jesús Nazareno at itinatag noong Abril 21, 1621. Nakatanggap ito ng Papal approval noong Abril 20, 1650 mula kay Papa Inocencio X.
Noong 1787, si Basilio Sanco Junta y Rufina, ang Arsobispo ng Maynila ay nagutos na ilipat ang imahe sa Quiapo, sa ilalim ng pagtaguyod kay San Juan Bautista.
Ang imahe ng Nazareno ay naisalba sa iba't-ibang kalamidad at digmaan tulag noong nasunog ang simbahan sa Quiapo noong taong 1791 at 1929 gayun din ang lindol noong 1645 at 1863 at ang pambomba sa Maynila noong 1945 noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Noong 1998, isang replika ng orihinal na imahe ng Itim na Nazareno ang ipinarada dahil sa pinsalang nakamit ng orihinal na imahe at mula noon, ginamit na ito sa mga prusisyon habang ang orihinal na imahe ay nanatiling nakalagak sa loob ng simbahan. Ang iba pang maliit na replika ng imahe ay matatagpuan sa loob ng simbahan.
No comments:
Post a Comment